marie-yah
facebook shits



dahil nagbubura na ako ng pictures—masyado ng marami.
8 / 24 / 11

Wala na kami.

4 / 14 / 11

Nagkita kita kaming magkakaibigan. Hinintay niya ako, pero as usual, late na naman ako ng mga isang oras. Nagplano plano kami, tapos ayun, MOA—walang magawa. Medyo nabadtrip din ako kasi hindi nila ako pinapansin. Para bang sinama nila ako sa prod pero wala din akong silbi. Ganun `yung nararamdaman ko.

Hindi ko naman sinasabing magaling ako pero alam kong may maitutulong ako. Ang nakakainis lang sa ugali nung isa kong kaibigan, dahil nga sa siya ang pinaka experienced, siya na gumagawa ng lahat.

So anyways, napagbalingan ko ng inis si Jerryk. Medyo nainis pa ako sa kanya kasi hindi siya marunong kumausap sa ibang tao. Kailangan pang ako pa kakausap. So ayun, nagpatuloy `yung walang pansinan hanggang sa ihatid na niya ako sa bahay.

Natiteary eyed na pala siya bago siya umuwi. Dumating kasi si mama kaya nawala `yung scene namin.

Nagsorry naman na din ako sa kanya. Naiyak din ako ng kaunti paghiga ko sa kama.

'.nga pla„ seryoso to, mas gumanda ka s gupit m0 ngaun.. Seryoso,prams„ D ko cnsb to dhl glt ka skn..un lng tlga totoo..'

4 / 5 / 11

Nagkita ulit kami.

Pumunta kami ng SM at nagreminisk kami. Gagawa kasi kami ng manga ng sarili naming bersyon na labstori. Ayun, nagbaliktanaw. Ang daming revelations at nung huli, nasabaw kaming parehas.

Ang hirap palang isipin lahat. Ang sakit sa ulo. Nawawalan kami ng maiisip. Hahaha.

Ayun. naeeksyat na ako sa story. :D

4 / 4 / 11

Pumunta siya ng bahay dahil namimiss niya ako. Nagkulitan lang kami buong maghapon. Nilalambing niya ako habang nagdodrawing siya sa laptop.

Pinatong ko `yung ulo ko sa chan niya.

"Mahal mo ba ako?"
"Hindi"
"Aray. Hindi man lang nag isip"

Tumawa lang ako nun.

"Hindi nga. Mahal mo ba ako?"
"Secret"
"Sige na. Sagutin mo na ako"
"Abutin mo muna ako"

Natawa ako nung inabot niya ako. Super yuko siya at kiniss ako sa lips ng ilang beses. Nung dumiretso na siya ng upo, sumakit `yung likod niya. Haha.

Binigyan din pala niya ako ng t-shirt na naaalala kong ikinwento niya sa akin nung last day ng second sem.

"Dapat bibilhan kita ng t-shirt. Ang cute eh. Ulan"
"Oh?"
"Kaya lang ang mahal"

Nadisappoint ako nung araw na `yun. Ewan ko. Kasi kung gusto talaga niya ako ibili, gagawa siya ng paraan at hindi na niya sasabihin `yun. Para lang niya akong pinaasa sa mga words niya but in the end, wala lang.

Nagulat na lang ako, ayun nga. Binili niya ako.

"Ang cute di ba? Ulaaaaaaaaaaaaan. Ikaw na ikaw"

Natuwa lang akong sobra kasi nga ang cute talaga. Nakaembose pa `yung droplets na `yun. Tinanong ko sa kanya kung magkano, nung una ayaw pa niya sabihin, pero sinabi din niya.

Tumataginting lang naman na 300.

Saya niya eh. Yaman.

So inabot na siya ng gabi dito sa amin, dumating na si mama, si papa, si dindin at si randy na boypren ni dindin. Kumain na siya sa amin ng dinner at nakalibre pa ng milo.

Ako pa nagtimpla. HAHA.

3 / 29 / 11

'Mahal koo.Happy weeksary. :> haha.. . Nka 1 week n tau! Haha.. :> ala lng, ntuwa lng ako.haha. I Love You so much.. Mahal na Mahl kita! *p0wer hug *super kiss'

Tinext niya nung naalala ko na 1st week pala namin ngayong araw :)

3 / 27 / 11

Pumunta kami ng Greenhills ng mga ate ko para bumili ng psp. Kasama siya.

Nung una, medyo nahihiya pa siya pero pag magkasama kami or nahuhuli kami, todo siya manlambing sa akin. Ginabi na nga kami dahil lang sa psp.

Pagkauwi, nagstay kami dun sa may hagdanan.

Kiniss niya ulit ako, tapos higop na naman with dila. Hindi ko alam kung ganun lang ba talaga siya o trip lang niya `yun. Eh syempre ako nasasyak pa din kasi hindi ko alam `yung mga ganung bagay.

Ibinigay ko din sa kanya `yung iCool na nginunguya ko. Kinagat ba naman `yung dila ko! :( Sakit lang eh.

Tapos tapos, napapansin ko lagi na lang niya ako kinikiss. Normal ba `yun? Amp. Haha.

3 / 26 / 11

Muntikan na kaming mag away kanina. Tampuhan, initan ng ulo pero parang wala ding nangyari dahil kahit ako na ang may kasalanan, ako pa din ang sinusuyo.

Letse. Ako na pampered.

Nahawakan ko `yung dibdib niya.

"Hala, i touched your boob"
"You touched my boob! I`ll take for revenge!"

Napatingin lang ako sa kanya na nagpapaawa na nagpapakyot sabay yakap sa akin.

"Joke lang!"

Nagkulitan lang kami at nag uusap.

"Balak ko ngang ibenta psp ko eh"
"Bakit?"
"May bibilin ako"
"Oh? Ano?"
"Mas malaki pa sa`yo"
"WEH!"
"Oo. Magkano ba si Tiny?
(ung pinaka malaking bear sa blue magic)
"Bibilin mo `yun!?"
"Oo. Bakit hindi?"
"Baliw"

Nasabi ko kasi sa kanya na gusto ko nga `yung stuff toy na `yun. Na kapag may nagbigay sa akin nun, mamahalin ko at papakasalan ko—which is imposible.

Umuwi na kami, nung una, nasa hagdanan lang kami pero nahihiya na kasi ako. Nakikita kasi `yung shadow namin. Nakikichismis `yung mga nag iinuman na mga usisero`t usisera.

Sinuper hug niya ako tapos sinuper kiss. Eh hinalikan niya ako, hindi ako nagrereact. Mukhang gusto niya kasi ay torrid o `yung gumagalaw na halikan.

Hinila niya ako papalapit sa may bahay namin, so andun na kami sa tapat ng bahay ng kapit bahay namin. Kung anu-ano lang ginawa namin, niyakap yakap niya ako tapos hinalikan na naman niya ako.

Nasyak ako kasi hinihigop na po niya ako >.< Tumigil siya sa paghalik niya sa akin tapos tinignan ko siya.

"Hinihigop mo ako!"

Hindi niya ata narinig `yung sinabi ko, hinalikan niya ulit ako at napatagal siya sa paghalik sa akin. Hindi ako nagrerespond, siya lang ang gumagalaw. Naramdaman ko na `yung dila niya, kukunin na akoooo~

Tinignan ko `yung mata niya, nakapikit.

Pag dating ko ng bahay, nakaupo si mama sa may computer. Eh malapit lang `yun sa bintana na pwede kaming matanaw ni Jerryk dun sa pwesto namin.

"Nag lipstick ka?"

Nanlaki ng kaunti ang mga mata ko sabay hindi. Pagtingin ko sa salamin, pisti. Namumula nga labi ko. :o

3 / 25 / 11

Puyat at pagod siyang pumasok sa school dahil ginawa niya `yung techdraw naming dalawa. Sorry ako ng sorry, thank you din ng thank you para sa ginawa niya.

"kiss ko"

Kiniss ko `yung palad ko tska dinikit sa pisngi niya.

Nagtechdraw na kami, uwian at ayun, nasobrahan kaming dalawa sa kwentuhan kaya inabot kami ng 1 hour sa hintayan ng jeep.

"Nakiss ka na ba sa cheeks?"
"Hindi pa"
"Weh?"

Nakakagulat lang na kahit kelan, sa dinami dami ng mga girlfriend at nakafling niya ay never pa siyang nakiss sa cheeks. Alam mo `yun, simpleng kiss lang dun ay wala pa. Wow lang ah.

"Basta, nakakiss na ako dito (turo sa cheeks ko), dito (turo sa lips ko), pero never pa ako nagkiss sa noo ng babae. Sa`yo lang”
"Oh? Tapos?"
"Tapos… dito (hawak sa leeg ko) tska… dito dito dito dito dito (pababa na `yun. Many to mention ika nga)

Tawa lang ako ng tawa. Kwentuhan na din kami hanggang nasa jeep kami. Hindi kami natulog at kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Nakababa na`t lahat lahat, hindi pa din natatapos `yung kwento.

Nasa hagdanan na ulit kami. Nanghihingi na naman ng kiss.

"Kiss ko?" sabay pakyot.
"Bakit? Mamamatay ka ba ng walang kiss?"
"Hindi naman" Sabay yuko.

Kiniss ko siya sa cheeks. Nagulat siya sa ginawa ko tapos mukhang kinilig. Kiniss ko din siya sa isa pa niyang cheeks, kilig na naman. Kiniss ko siya sa kamay niya, kilig na naman.

"Kiss pa"
"Ayoko nga"

Niyakap niya ako sabay sabing: "i love you"

Ako naman, "Bleh!" sabay dila.

Natatawa siya sa tuwing ginagawa ko `yun.

"Mahal na mahal kita"

Sabay yakap sa akin ng mahigpit. Pagkakiss niya sa labi ko, gumagalaw na siya ng kaunti pero tinitigil ko `yung pag galaw niyang `yun. Inilalabas na nga niya `yung dila niya at parang gusto na akong higupin eh.

Ibinigay niya sa akin `yung nginunguya niyang icool, akala niya siguro hindi ko kukunin pero kunuha ko.

"oh"

Inaalok na ibabalik ko na `yung icool sa kanya. Kiniss niya ako tska ko ibinalik `yung icool sa kanya. Ang gamit ko kasi ay `yung dila ko, medyo hinigop niya `yun kaya nasyak talaga ako.

"Isa pang dila, kukunin ko `yan"

Pinalo ko lang siya at sinabing tama na. Nagpaalam na kami sa isa`t isa.

"Akala mo nagbubulungan lang. Naghahalikan na pala" -sabi nung nag iinuman.

3 / 23 / 11

Two days na ang nakaraan nung nangyari `yung sa fountain. Ewan ko, sa tuwing naiisip kong hinalikan niya ako, `yung puso ko—lakas ng kabog. Tapos may umiikot na hindi ko malaman sa tyan ko. Ugh.

Pero kung `yung iba ay nagsisisi, ako hindi.

Natatawa pa ako dahil nalaman na ni Brylle `yung tungkol sa amin. Sinabi kasi niya kaagad, hindi mapigilan ang sarili.

"Bakit? Ayaw mo bang sabihin?"
"Sa last day na lang"
"Bakit?"
"Wala. Para surprise"

Feeling ko medyo disappointed siya sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinapansin dahil wala lang, trip ko lang hindi pansinin. Hehe.

Pumunta kami ng bahay nila kasama si Brylle, Keng at Philip. May kung ano lang silang ginawa sa flash tapos nag aya silang kumain. Ako naman, dahil sabik sa laptop niyang maraming games, nagpaiwan.

Naghanap ako ng games pero wala akong makita kaya hinalungkat ko na lang ang files niya. Drawings pati na rin ang mga blogs niyang hindi pa niya pinopost. Napansin kong ang tagal nila Keng. Pinatay ko na `yung laptop at hinihintay na lang `yung tatlo umakyat para umalis, pero walang umaakyat.

Niyakap yakap lang niya ako at hinahalik-halikan habang naghihintay. Kapit din siya ng kapit sa akin na para bang linta.

"I love you"

Hindi ako sumasagot. Nadidismaya naman siya.

"Kelan ko ba maririnig `yung i love you too mo?"

Bigla ko tuloy naisip, sa birthday na lang niya. :)

"Kung ako sa`yo makikipag break na ako"
"Bakit naman?"
"Wala lang"
"Maghihintay ako"

Naisip ko na lang, okay. sabi mo `yan eh.

Bumalik kami ng school at nakisit in sa isang mma na subject ng iba naming kaklase. Kung anu-ano lang ang ginawa namin dun, nangulit, nang asar at nag ingay. Nasa labas na kami nun, kasama `yung prof na mabait. Basta sinamba kasi siya nila Jerryk at Brylle.

Tumingin sa akin si sir sabay sabi:

"Hindi mo ba kinakahiya `to?" Habang tinuturo si Jerryk.

Tumawa lang ako nun.

After ilang hours, nagsiuwian na ang lahat ng kasama namin. Naiwan ko `yung usb ko sa maclab kaya bumalik pa kami. Napagod kaming dalawa kaya naupo na muna kami sa hagdanan.

Nilambing lang niya ako ng nilambing. Niyakap yakap at hinalik-halikan hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi.

Napag usapan lang namin `yung mga katropa naming nagkakainlaban. Pustahan kung ilang months magtatagal. Sila Joey at Raelove, nagbreak na. Sila Joseph at Johna, sila pa din.Sila Kevs at Wilma, mukhang hindi magtatagal.

"Tayo kaya, kelan?"
"Wag ka nga"
"1 month? 2 months? 3 months?"
"Forever na tayo"
"Ah! four months!"
"Pero kung mangyari nga `yun, sino may kasalanan?"
"IKAW!"

Napag usapan din namin `yung mga nakaraan ulit. Kung paano ako tinrato ni Migs bilang prinsesa at kung paano niya tinrato ang mga girlfriend niya. Sa akin lang pala siya ganun—ata. Sabi niya eh.

Medyo napahiya din pala ako sa kanya nung nasa jeep kami. Tungkol kasi sa yosi `yun. Tapos mali pala ginagawa ko. Yumuko ako at nagtalukbong ng mukha.

"Hahaha. Ang cute mo!"

Yie. Ako na kyot :”>

Sinabi din pala niya na naiiyak siya sa tuwing pinapanood niya `yung video ko. Dun daw sa part nung nagthank you ako. Ewan ko ba kung ano nakakaiyak dun. Ang nakakatawa daw, kahit paulit ulit niyang panoorin, naiiyak pa din siya.

"nagiyakan sila"
"Ikaw hindi mo pa nararanasan `yun no?"

Umiling siya.

"Pero bakit ganun, pag sa`yo, ang babaw ng luha ko"
"Cute kasi ako"

Sinabi din pala niya sa akin `to.

"Paano kung next sem, hindi na ako sa school mag aaral?"

Parang nalungkot naman ako nun. Ewan ko ba. Syempre gusto ko lagi ko siyang kasama. Kapag nawala siya, mangungulila ako sa piling niya.

Malulungkot ako. AJUJU.

"Alam mo ba `yung blog kong dripdripdrop?"
"Oo, sinabi mo na"
"Pero alam mo ba kung bakit dripdripdrop?"
"Hindi. bakit? Kasi tubig? Si Juvia?"
"Kasi, nung may mga batang nangaroling sa atin, tapos paalis ka na. Naluha ako nun"
"Oh?"
"Tapos nung nagalit ako sa`yo, pumunta ka sa bahay"
"Ano?"
"Ineexpect ko `yun. Pero naisip ko, bakit ka naman pupunta di ba. Pero nagulat ako, pumunta ka"
"Aya. May mga laman talaga mga blogs mo no?"
"Yung iba, pero karamihan wala"

Nasa hagdanan na kami. Niyakap niya ako ng mahigpit tapos hinalikan niya ako sa lips. Ilang beses din `yun.

Pansin ko talaga na nilalabas niya `yung dila niya at nilalawayan `yung labi ko. Ewan ko kung bakit siya ganun.

"Mahal na mahal kita Rayne"

Tango lang ako.

"Mahal mo ba ako?"
"Ay hindi"
"Ay?"

Tapos kiss na naman. Tapos didilian niya `yung labi ko. Nagtataka talaga ako dun. Minsan talaga pag lumakas loob ko, itatanong ko.

"bakit mo nilalawayan labi ko?"